32 medical workers sa Ospital ng Tondo nagpositibo sa COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo August 14, 2020 - 09:27 AM

Pansamtalang isasara ang Ospital ng Tondo sa lungsod ng Maynila.

Ito ay makaraang 32 medical frontline workers nito ang magpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, ngayong araw lalagdaan niya ang kautusan para sa pagsasara ng pagamutan.

Mismong ang direktor aniya ng ospital ang humiling matapos na 32 staff na kinabibilangan ng mga duktor at nurse ang magpositibo sa sakit.

Tatagal ng 10 araw ang pagsasara ng pagamutan kung saan hindi muna ito tatanggap ng mga pasyente.

Tiniyak ng alkalde na ang mga COVID-19 patient na naka-confine sa ospital ay patuloy na makatatanggap ng atensyong medikal.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, covidpatients, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, medicalfrontliners, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, ospital ng tondo, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, covidpatients, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, medicalfrontliners, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, ospital ng tondo, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.