4 sugatan sa pamamaril ng isang estudyante sa eskwelahan sa Ohio
Apat na estudyante ang nasugatan matapos mamaril ang isang 14-anyos na kapwa nila estudyante sa cafeteria ng isang eskwelahan sa Ohio.
Ayon kay Butler County Sheriff Richard Jones, dalawa sa mga nasugatan ay nagtamo ng tama ng bala ng baril.
Habang hindi pa malinaw kung ano ang dahilan ng pagkasugat ng dalawa pa na posible aniyang natalsikan ng shrapnel o di kaya ay nasugatan habang tumatakbo papalayo sa namamaril na suspek.
Hawak na ng mga otoridad ang 14-anyos na suspek at nailabas na sa Madison Local Schools District (MLSD).
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad para matukoy kung paanong nakapaglusot ng baril ang suspek at ano ang dahilan ng pamamaril.
Sa post sa facebook page, kinumpirma ng pamunuan ng MLSD na nagpatupad ng lockdown sa eskwelahan dahil sa insidente ng pamamaril. Wala naman umanong nasa kritikal na kondisyon sa mga estudyanteng nasugatan.
Matapos makatanggap ng clearance mula sa sheriff ay pinayagan na rin ang mga estudyanteng makauwi.
“We would first like to update everyone on the crisis situation in our district today by thanking our students and staff for immediately reacting to the event in exactly the way we have practiced and planned. Additionally thank you to the parents and community for your patience and cooperation during a stressful time,” ayon sa FB post ng MLSD.
Sinuspinde na rin ng MLSD ang susunod na klase gayundin ang mga nakatakdang aktibidad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.