Hiling na payagan ang pagdaan sa Kennon Rd. ng mga delivery truck hindi pinagbigyan

By Dona Dominguez-Cargullo August 14, 2020 - 08:01 AM

Mananatiling sarado sa malalaking sasakyan ang Kennon Road.

Ito ang desisyon ng Cordillera Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (Cordillera RDRRMC) at Inter-Agency Task Group (IATG) Kennon matapos ang ginawang coordination meeting.

Hiniling kasi ng Provincial Government ng Benguet at Municipal Government ng Tuba na payagan ang pagdaan sa Kennon Road ng mga delivery truck na higit 5 tons ang bigat.

Matapos ang pulong napagpasyahan na panatilihing sarado ang Kennon Road at tanging mga lokal na residente lamang ang payagang dumaan.

Ang mga truck na lagpas sa 5 tons ang bigat ay hindi pa ring papayagan sa kalsada.

Kung maayos ang lagay ng panahon, maaring payagan ang pagdaan sa Kennon Road ng mga sasakyan na na nagde-deliver ng mga gamit na may kaugnayan sa COVID-19 response para sa Cordillera Administrative Region.

 

 

TAGS: baguio city, Cordillera, Inquirer News, Kennon Road, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, baguio city, Cordillera, Inquirer News, Kennon Road, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.