Water level ng Angat dam muling nabawasan sa magdamag

Nabawasan pa ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 182.89 meters alas-6:00 umaga ng Biyernes (August 14) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 182.98 meters.

Nabawasan din ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 99.86 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 100.33 meters habang bahagyang nadagdagan ang antas ng tubig ng La Mesa dam sa 78.69 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 78.68 meters.

Samantala, ang water level ng Ambuklao, San Roque, Pantabangan at Magat dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang tubig sa Binga at Caliraya dams.

 

 

 

 

 

Read more...