Ang LPA ay huling namataaan ng PAGASA sa layong 830 kilometers Northeast ng Basco Batanes.
Ngayong araw, sinabi ng PAGASA na Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ang nakaaapekto sa Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.
Dahil sa ITCZ ang buong Visayas, Bicol Region, MIMAROPA, Caraga, Northern Mindanao, at Zamboanga Peninsula ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms.
Ang Metro Manila at nalalabi namang bahagi ng bansa ay makararanas lamang ng bahagyang maulap na papawirin na may isolated na pag-ulan dahil din sa ITCZ at localized thunderstorms.
MOST READ
LATEST STORIES