3 arestado sa buy-bust ops sa Cebu City

By Angellic Jordan August 14, 2020 - 12:19 AM

Arestado ang tatlong drug suspects sa ikinasang buy-bust operation sa Cebu City, Huwebes ng hapon.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency Central Visayas (PDEA RO7), isinagawa ang operasyon sa bahagi ng Barangay Sambag 2 bandang 4:30 ng hapon.

Nahuli ang target sa operasyon na si Teodoro Villamala Jr. alyas “Bentong,” 38-anyos; kabilang ang ina nitong si Magdalena Villamala, 58-anyos; at tiyahin na si Josephine Labistre, 40-anyos.

Nakumpiska sa tatlo ang apat na pack ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P54,400, isang unit ng cellphone, ilang identification cards at ginamit na buy-bust money.

Kasong paglabag sa Sections 5, 11 at 26, Article 2 ng Republic Act 9165 ang isasampa laban sa tatlo.

TAGS: buy-bust operation in Cebu City, confiscated shabu, Inquirer News, PDEA RO7 buy-bust, Radyo Inquirer news, buy-bust operation in Cebu City, confiscated shabu, Inquirer News, PDEA RO7 buy-bust, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.