Ilang nakumpiskang kontrabando sa Bilibid, sinira ng BuCor

Sinira ng Bureau of Corrections (BuCor) ang mga nakumpiskang kontrabando sa loob ng New Bilibid Prison (NBP)

Isinagawa ang pagsira sa mga kontrabando kabilang ang cellphones, WiFi booster, laptops at iba pa sa admin building ng Bilibid, araw ng Huwebes (August 13).

Nakumpiska ang mga kontrabando mula pa taong 2015.

Narito ang bilang ng mga nakuhang kontrabando sa loob ng Bilibid:

Communication Devices:
– Cellular phones (3,817)
– Mobile pocket wifi (101)
– Cellular phone chargers (1,724)
– Cellular phone headset (70)
– Digital TV plus (1)
– Tablet (41)
– Laptop (7)
– Bluetooth keyboard (3)
– Power bank (11)
– Bluetooth speaker (3)
– Mobile signal booster-amplifier (29)

Tobacco/Cigarette:
– Tobacco (2,072 bars)
– Hand rolled cigarette (likit)(1,014)
– Cigarettes (98 sticks)

Iba pang mga ipinagbabawal na gamit:
– Smart watch (4)
– Digital weighing scale (7)
– Digital camera (defective) (2)
– PSP (play station portable) (8)
– DVD player (12)

Tiniyak ng BuCor sa publiko na magiging contraband-free ang Bilibid para sa kaligtasan ng mga bilanggo at personnel.

Read more...