Dating Rep. Mark Cojuangco, posibleng talikuran na si VP Binay

mark cojuangco 2
From Mark Cojuangco’s Facebook page

Umaasa ang Nationalist People’s Coalition o NPC na paninindigan ni dating Cong. Mark Cojuangco sa commitment nito sa partido, ukol sa nalalapit na halalan.

Si Mark Cojuangco, anak ng NPC Founder at Chairman Danding Cojuangco, ay kilalang sumusuporta sa kandidatura ni Vice President Jejomar Binay.

Pero kanina, ang NPC ay naghayag na ng suportahan sa tandem nina Senators Grace Poe at Chiz Escudero.

Ayon kay NPC President at Deputy Speaker Giorgidi Aggabao, nagpasabi na raw ang batang Cojuangco na kung saan ang partido o ano ang party decision ay susunod ito.

Ito ang dahilan kung bakit sa 90% na mga miyembro ng NPC may 10% pang naiiwan dahil sumusuporta ang mga ito sa ibang kandidato, habang ang iba ay undecided pa.

Bukas din umano ang NPC sa suporta na maibibigay ng ibang partido kina Poe at Escudero.

Samantala, sinabi ni Daang Matuwid Coalition Spokesperson Barry Gutierrez, marami siyang nakausap na NPC supporters ni Mar Roxas at sinabi raw na wala silang ideya sa endorsement daw ng NPC kina Poe at Escudero.

Mayroon aniyang confusion sa ranks ng NPC at maaaring katulad noong 2010 elections na mayroon umako na inendorso si dating Senador Manny Villar, pero ang susuportahan pala ay si Pangulong Noynoy Aquino.

Read more...