56 pang residente sa Navotas City, gumaling sa COVID-19

Nadagdagan pa ng 31 ang bilang ng mga nagpositibo pa sa COVID-19 sa Navotas City.

Sa huling datos hanggang 8:30, Huwebes ng gabi (August 13), umakyat na sa kabuuang 3,522 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 1,444 ang aktibong kaso o katumbas ng 41 porsyento.

56 naman ang gumaling pang residente sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 1,972 na ang total recoveries o 56 porsyento ng kabuuang naitalang kaso sa lungsod.

Dalawa pa ang pumanaw kung kaya 106 na o tatlong porsyento ang COVID-19 related deaths sa lungsod.

Read more...