Mga pulis na nagpositibo sa COVID-19, nadagdagan pa ng 25
Nadagdagan pa ng 25 ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Huwebes ng gabi (August 13), 2,757 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
762 pulis ang itinuturing na probable cases habang 2,211 ang suspected cases.
26 namang pulis ang gumaling kung kaya umabot na sa 1,826 ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Nanatili naman sa 13 ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.