Mga nahuling violators sa gitna ng MECQ sa Navotas City, higit 1,500 na

Lampas 1,500 na ang nahuling lumabag sa ipinatutupad na safety measures sa Navotas City.

Ito ay kasabay ng umiiral na modified enhanced community quarantine (MECQ).

Sa ulat ng Navotas City Police hanggang 5:00, Huwebes ng hapon (August 13), umabot sa kabuuang 1,507 ang mga nahuling lumabag sa safety measures para maging protektado laban sa COVID-19.

Sa nasabing bilang, 1,286 ang nahuling walang suot na face mask o hindi tama ang pagkakasuot nito.

Nasa 90 katao naman ang lumabag sa curfew.

131 rin ang bilang ng mga hindi sumunod sa isa hanggang dalawang metrong physical distancing.

Read more...