Tropical Depression Gener, humina na at isa na lamang LPA
Tuluyan nang humina ang Tropical Depression Gener at isa na lamang low pressure area (LPA), ayon sa PAGASA.
Ayon kay PAGASA weather specialist Ariel Rojas, naging LPA ang sama ng panahon bandang 2:00 ng hapon.
Huling namataan ang bagyo sa layong 830 kilometers Hilagang-Silangan ng Basco, Batanes dakong 4:00 ng hapon.
Wala pa rin aniyang epekto ang LPA sa anumang bahagi ng bansa.
Samantala, patuloy namang magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ).
Partikular na maaapektuhan nito ang Southern Luzon, Visayas at Mindanao.
Ani Rojas, namataan ang isa pang LPA na nakapaloob sa ITCZ.
Huling itong namataan sa layong 1,150 kilometers Silangan ng Visayas bandang 4:00 ng hapon.
Mababa naman aniya ang tsansa na lumakas ang LPA at maging bagyo sa susunod na 24 oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.