Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON, pumalo na sa 11,271

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Huwebes (August 13, 3:00 PM) nakapagtala ng 626 na bagong kaso kaya pumalo na sa 11,271 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 2,346
Laguna – 4,373
Batangas – 1,689
Rizal – 2,268
Quezon – 595

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 7,334.

Nasa 3,573 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 20 na bagong recovery.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 529
Laguna – 1,253
Batangas – 710
Rizal – 820
Quezon – 261

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng tatlo kaya umabot na sa 364 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 64
Laguna – 88
Batangas – 57
Rizal – 133
Quezon – 22

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay

Read more...