Hinatuan, Surigao del Sur niyanig ng magnitude 3.8 na lindol
By Mary Rose Cabrales August 13, 2020 - 06:39 PM
Niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang lalawigan ng Surigao del Sur.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 47 kilometers southeast ng bayan ng Hinatuan, alas-5:03 hapon ng Huwebes (August 13).
May lalim na 11 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Naitala ang instrumental intensity 1 sa Bislig City.
Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian at aftershocks.
Ang pagyanig ay aftershock ng magnitude 5.7 na lindol sa Hinatuan, Surigao del Sur noong July 31,2020.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.