Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Huwebes (August 13), umabot na sa 147,526 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 74,713 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 4,002 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
91.2 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 7.3 porsyento ang asymptomatic; 0.6 porsyento ang severe habang 0.9 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nakuha ang mga datos mula sa 93 out of 100 licensed laboratories.
Nasa 23 ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 2,426 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 1,403 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 70,387 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.