Batay sa ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO), isinagawa ng PS – 6 Batasan, Quezon City Police District ang buy-bust operation sa bahagi ng Luzon Avenue sa Barangay Matandang Balara dakong 10:30 ng gabi.
Nakumpirma ang mga ilegal na aktibidad ng mga suspek base sa mga ginawang serye ng intel gathering at case build-up.
Isa sa mga pulis ang nagsilbing poseur buyer sa nasabing operasyon.
Naaresto ang mga suspek na sina Maimona Tampipi alyas “Moona,” 41-anyos; Alfar Kadil, 29-anyos; at Soraya Sali, 18-anyos.
Nakuha sa tatlo ang apat na medium heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang P1,000 peso bill, 49 piraso ng P1,000 na boodle money na ginamit bilang buy bust money, isang Toyota Avanza na may plakang VR 5656.
Nakumpiska rin ang humigit-kumulang 200 gramo ng hinihinalang shaby na nagkakahala ng P 1,360,000.
Nai-turnover na ang hinihinalang ilegal na droga sa PNP Crime laboratory para sa confirmatory testing.
Sa ngayon, nakakulong ang mga suspek sa Batasan Police Station at mahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.