3 dating opisyal ng Zamboanga Sibugay, makakasuhan dahil sa ‘ghost beneficiaries’

By Isa Avendaño-Umali March 01, 2016 - 04:39 AM

peso-moneyKasong malversation through falsification at graft ang ikakaso ng Office of the Ombudsman sa tatlong dating miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Zamboanga Sibugay dahil sa pamemeke ng dokumento para makapag-reimburse sa pondo ng isang Anti Poverty program ng lalawigan.

Kabilang sa mga mahaharap sa asunto ay sina Leonardo Lagas, George Castillo at Galwas Musa.

Kasama rin sa mga kakasuhan ang sampung kawani ng pamahalaan ng Zamboanga Sibugay.

Batay sa report ng Commission on Audit, ang tatlong local officials ay naghanda at nag-apruba ng Disbrusement vouchers at nameke ng supporting documents upang makuha ang reimbursement na nagkakahalaga ng P95,000 mula sa Aid the Poor Program noong 2001.

Aabot umano sa P1,000 hanggang P5,000 ang naipamudmod nila sa kanilang constituents.

Gayunman, sa verification ng COA, hindi matunton ang umano’y beneficiaries ng pondo.

Dahilan naman ng tatlong inaakusahan, nabigyan lamang daw sila ng maling address.

Sa kabila nito, hindi pinatulan ng Ombudsman ang rason ng tatlong local officials.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.