Pagdaraos ng Bar Examinations sa Maynila at Cebu, aprubado na ng Supreme Court
Aprubado na ang Supreme Court En Banc ang regionalization ng Bar Examinations.
Base sa Bar Matter No. 3490 na inilabas ng SC, araw ng Huwebes (August 13), nakasaad na base sa rekomendasyon ng Bar Chairman na si Associate Justice Marvic Leonen, ang susunod na Bar Examinations, bukod sa Maynila ay magkakaroon din ng testing site se Cebu City.
Ayon sa korte, ang patuloy na pagdaraos ng bar examinations sa Metro Manila ay nagdudulot ng karagdagang pahirap sa mga bar candidate muna sa Visayas at Mindanao hindi lamang sa aspetong pinansyal kundi maging emosyonal dahil sa pagkawalay sa kanilang pamilya na magbibigay ng moral support sa pagkuha ng pagsusulit.
Sabi ng Supreme Court, sa pamamagitan ng pagkakaroon ng regional site para sa Bar Examinations ay mababawasan ang alalahanin ng bar candidates.
Mababawasan, sabi ng korte, ng gastos ng mga ito, maaaring makapagpatuloy ng kanilang trabaho at makakakuha ng kinakailangang moral support mula sa kanilang pamilya at mga kaibigan habang nagre-review at kumukuha ng pagsusulit.
Crucial, ayon sa Supreme Court, ang regionalization ng bar exams dahil sa government restrictions may kinalaman sa pag-iingat sa COVID-19.
Ang pagkakaroon ng regional testing para sa susunod na pagsusulit ng law graduates ay makakabawas sa logistical problems dulot ng mga travel restrictions at curfew para sa bar candidates sa mga susunod na buwan.
Bibigyan naman ng pagkakataon ang bar candidates mula sa Visayas at Mindanao kung sa University of Sto. Tomas sa Maynila nila nais kumuha ng pagsusulit o sa Cebu.
Gayunman, kakailanganin ang pagtataas ng Bar application fees para matustusan ang dagdag na gastos sa regionalization ng Bar Examinations.
Ipinagpaliban ng Supreme Court ang 2020 Bar Examinations na nakatakda sana sa Nobyembre dahil sa COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.