Mga bumbero, nagpaalalang alisin ang mga fire hazards

By Jan Escosio March 01, 2016 - 04:38 AM

Cebu fireSa muling pagsisimula ng fire prevention month ngayong unang araw ng Marso, may pakiusap si Quezon City Fire Marshall Senior Superintendent Jesus Fernandez sa publiko.

Panawagan ni Fernandez ay boluntaryo nang alisin ng publiko ang mga fire hazards sa kanilang bahay o ang mga bagay na maaring pagsimulan ng sunog.

Kasabay nito, sinabi ni Fernandez na sa pamilya dapat simulan ang mga hakbang para mapanatiling ligtas sa sunog ang bahay.

Inihalimbawa nito ang pagbabantay sa mga iniluluto, gasera o lampara at kandila, na karaniwang nagsisilbing mitsa ng mga insidente ng sunog.

Idinagdag pa nito na kailangan din ang regular na pag-iinspeksyon sa mga electrical wiring lalo na sa mga magkakadikit na bahay at gawa sa mga light materials.

Bukas ay may mga naka-linya ng aktibidad kaugnay sa fire prevention month, partikular na ang surprise inspections ng mga Bureau of Fire Protection (BFP) inspectors sa mga establisyimento.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.