Tropical Depression Gener hihina at magiging LPA sa susunod na mga oras
Matapos makapasok sa bansa inaasahang hihina sa susunod na 12 hanggang 24 na oras ang tropical depression Gener.
Ayon sa weather bulletin ng PAGASA, ang bagyo ay huling namataan sa layong 870 km East Northeast ng Basco, Batanes.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometers bawat oras.
Kumiilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong west southwest.
Ayon sa PAGASA, mananatiling malayo sa Philippine landmass ang bagyo.
Hindi rin ito inaasahang magkakaroon ng direktang epekto sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.