Pagpapataas ng mga hospital capacity dapat gawin ngayong MECQ

By Erwin Aguilon August 13, 2020 - 10:03 AM

Kuha ni Erwin Aguilon

Dapat samantalahin ng Inter-Agency Task Force (IATF) at Department of Health (DOH) ang umiiral na modified enhanced community quarantine (MECQ) upang itaas at mapalakas ang hospital capacity sa mga lugar na may matataas na kaso ng COVID-19.

Ito ang suhestyon ni House Committee on Ways and Means at Albay Rep. Joey Salceda kasunod ng patuloy pa ring pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay Salceda, kapag pumalo na 150,000 ang COVID-19 cases sa susunod na Linggo at hindi dinagdagan ang critical care capacity sa mga pagamutan posibleng umabot sa “danger level” na 70% ang occupancy rate sa mga ICUs.

Mabilis din anya ang pagkapuno ng mga ward beds kumpara sa mga ICU beds tulad sa mga ospital sa NCR dahil sa kawalan ng sistema para salain ang mga pasyenteng hindi na kailangang manatili o magpa-admit sa ospital.

Kaya naman inirekomenda ni Salceda na pagaralan ng DOH na palakasin ang kanilang telemedicine hotline para magabayan ang mga pasyenteng hindi pa naman kumpirmadong kaso ng Coronavirus disease ang kanilang sakit.

Sa ganitong paraan anya ay maiiwasan ang pagdagsa ng mga hindi pa kumpirmadong COVID-19 cases sa mga ospital at maiiwas ang paglala ng kaso ng mga mayroong mild-cases ng impeksyon.

Sa kasalukuyan aniya ang DOH COVID-19 emergency hotlines ay ginagamit lamang para sa diagnosis at pagbibigay lamang ng impormasyon.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Rep JOey Salceda, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Rep JOey Salceda, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.