Bagyo sa extreme Northern Luzon nakapasok na sa bansa, pinangalanang Gener ng PAGASA
By Dona Dominguez-Cargullo August 13, 2020 - 09:32 AM
Nakapasok na sa bansa ang bagyong binabantayan ng PAGASA sa Extreme Northern Luzon.
Ayon sa PAGASA, alas 4:00 ng madaling araw ng Huwebes, August 13 nang pumasok sa Philippine Area of Responsibility ang bagyo.
Pinangalanan itong Gener ng PAGASA at naging pang-anim na bagyo sa bansa ngayong taon.
Maglalabas ng unang severe weather bulletin ang PAGASA sa tropical depression Gener mamayang alas 11:00 ng umaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.