PhilHealth Pres. Morales hindi ipe-pressure ni Pangulong Duterte

By Chona Yu August 13, 2020 - 09:11 AM

Wala nang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na dagdagan pa ang pressure na nararanasan ngayon ni Philhealth President Ricardo Morales.

Nagigisa ngayon si Morales dahil sa anomalya sa Philhealth.

Naghain na rin ng leave of absence si Morales dahil sa sakit na lymphoma.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, masyadong mabait kasi ang pangulo.

“Si Presidente is really a very kind person. Lalong-lalo na may sakit si Morales, he will not add pressure to Gen. Morales and I think that’s a good trait that the President is not a bad one. It’s up to Morales what he wants to do but the process of investigation will continue,” ayon kay Roque.

Kung mayroon man aniyang mabuting katangian ang pangulo, ito ay ang pagiging mabait.

Hahayaan na aniya ni Pangulong Duterte si Morales na magpasya kung tuluyan nang magbibitiw sa pwesto.

Ayon kay Roque, ipagpapatuloy pa ng Department of Justice (DOJ) ang imbestigasyon sa PhilHealth.

Patuloy pa aniyang pinagkakatiwalaan ng Pangulo si Morales.

Ebidensya kasi aniya ang hanap ng pangulo sa kontrobersiya sa Philhealth.

 

 

 

TAGS: Inquirer News, News in the Philippines, philhealth, Radyo Inquirer, Rocardo Morales, Tagalog breaking news, tagalog news website, Inquirer News, News in the Philippines, philhealth, Radyo Inquirer, Rocardo Morales, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.