Deputy Prime Minister ng Russia nagpositibo sa COVID-19
Nagpositibo sa COVID-19 si Russian Deputy Prime Minister Yury Trutnev.
Sa ulat ng TASS news agency, ang kaniyang staff ang nagkumpirma na nagpositibo sa sakit ang opisyal.
Dahil dito, kinansela na ang biyahe dapat ni Trutnev sa Far East bilang bahagi dapat ng pagbisita doon ni Russian Prime Minister Mikhail Mishustin.
Isinailalim si Trutnev sa COVID-19 test bilang paghahanda sana sa nasabing biyahe at positibo ang resulta.
Ang Russia ay nakapagtala ng mahigit 5,000 bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na 24 na oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.