Bahagi ng Brgy. San Martin De Porres sa Parañaque City isinailalim sa calibrated containment and mitigation
Isinailalim sa calibrated containment and mitigation ang bahagi ng Brgy. San Martin De Porres sa Parañaque City.
Apat na araw iiral ang calibrated containment and mitigation sa Sitio Malugay.
Ngayong umaga, maagang nagsagawa ng clearing operation at decontamination ang mga tauhan ng Parañaque CENRO sa naturang lugar.
Ang Brgy. San Martin De Porres ay mayroong 103 na total confirmed cases ng COVID-19, pero 28 na lang ang aktibo.
Ang Paranaque ay mayroon nang 3,247 na kaso ng COVID-19.
Sa nasabing bilang, 2,503 na ang nakarecover habang 651 ang aktibong kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.