Eastern Visayas nakapagtala ng 58 bagong kaso ng COVID-19
Nakapagtala ng 58 pa na bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.
Sa datos ng Department of Health-Eastern Visayas, dahil sa dagdag na mga kaso umabot na sa 1,421 ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 927 na ang gumaling at 490 ang aktibong kaso.
Ang mga bagong kasong naitala ay mula sa Albuera, Tacloban, Palompon, Ormoc, Dulag, Jaro, Matalom , Mayorga, Merida, Tabon-Tabon at Alang-alang sa lalawigan ng Leyte.
Mayroon ding mga bagong kasong naitala mula Basey, Villareal, Calbayog, Sta. Margarita, sa Samar.
At gayundin sa Biliran, Biliran
Pito sa mga bagong kaso ay pawang mga LSIs na umuwi sa rehiyon galing ng Metro Manila at Cebu.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.