Bagyo na binabantayan ng PAGASA papasok sa bansa anumang oras; hihina at magiging LPA na lamang
Papasok sa bansa sa susunod na mga oras ang bagyo na binabantayan ng PAGASA sa Philippine Area of Responsibility.
Ang bagyo ay huling namataan sa layong 1,260 kilometers northeast ng extreme northern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras at pagbugsong 55 kilometers bawat oras.
Ayon sa PAGASA, kumikilos ang bagyo sa bilis 15 kilometers sa direksyong west southwest.
Hihina ang bagyo at magiging isang LPA na lamang sa sandaling pumasok ng bansa.
Sa magiging lagay ng panahon ngayong araw, ang Visayas, Mindanao, Bicol Region, at MIMAROPA ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan dahil sa ITCZ.
Localized thunderstorm naman ang iiral sa Metro Manila at sa nalabi pang bahagi ng Luzon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.