Ilang empleyado ng isang supermarket sa Baguio City nagpositibo sa COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo August 13, 2020 - 05:38 AM

May mga empleyado ng isang supermarket sa Baguio City ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon sa pahayag na inilabas ng Victoria Supermart – Mabini Branch, isang merchandiser nila na ang nagpositibo sa COVID-19 kaya agad nagpatupad ng lockdown sa establisyimento simula noong Sabado.

Nagsagawa ng mass testing sa lahat ng mga empleyado ng supermarket at ilan sa kanila ang nagpositibo din sa sakit base sa resulta ng swab test na lumabas kahapon araw ng Miyerkules.

Dahil dito mananatiling sarado sa loob ng dalawang linggo ang nasabing branch.

Umapela din ang pamunuan ng supermarket sa mga residente na namili sa kanilang branch sa nakalipas na labingapat na araw na bantayan ang kanilang kalusugan.

 

 

TAGS: baguio city, covid positive, Victoria Supermart, baguio city, covid positive, Victoria Supermart

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.