Tambalang Poe-Escudero, inendorso na ng NPC

By Isa Avendaño-Umali March 01, 2016 - 04:30 AM

GRACE-CHIZ / OCTOBER 15, 2015 Sen. Grace Poe and running mate Sen. Francis Escudero file their certificate of candidacy respectively at the COMELEC on Thursday, October 15, 2015. INQUIRER PHOTO / GRIG C. MONTEGRANDE
GRACE-CHIZ / OCTOBER 15, 2015
Sen. Grace Poe and running mate Sen. Francis Escudero file their certificate of candidacy respectively at the COMELEC on Thursday, October 15, 2015.
INQUIRER PHOTO / GRIG C. MONTEGRANDE

Inanunsyo na ng Nationalist People’s Coalition o NPC ang kanilang susuportahang kandidato sa pagka-presidente at bise presidente para sa May 2016 Elections.

Sa isang press conference sa Kamara, inanunsyo ni NPC President Giorgidi Aggabao na ang tambalang Senador Grace Poe at Francis Escudero ang nakatanggap ng final endorsement ng NPC.

Kasama ni Aggabao na gumawa ng anunsyo sina NPC Secretary General Mark Lleandro Mendoza at NPC spokesperson Mark Enverga.

Sinabi ni Aggabao na ang desisyon ay matapos ang ilang buwang pagbusisi at pagsala ng NPC sa lahat ng Presidentiables at Vice Presidentiables.

Inamin naman ni Aggabao na nagpasya ang NPC na suportahan sina Poe at Escudero kahit pa delikado pa sa Korte Suprema ang lagay ng Presidential bid ng Senadora.

Kumpiyansa si Aggabao na malalagpasan ni Poe ang kaso niya sa Korte Suprema.

Ayon kay Aggabao, 90 percent ng NPC members ay bumutong pabor na i-endorso ng kanilang partido ang Poe-Escudero tandem.

Tiniyak naman ng NPC na magagamit na ng tambalang Poe-Escudero ang buong makinarya ng kanilang partido.

Ani Aggabao, itataya nila ang kanilang makinarya para sa kandidatura ng dalawa, lalo kung makakatulong ito sa kampanya ng magka-tandem.

Para sa May polls, mayroong 4,129 na mga kandidato sa national at local positions ang NPC.

Pinakamahalaga aniya, napili ng NPC sina Poe at Escudero dahil sa ilang principles na gusto at hanap nila sa isang Pangulo at ikalawang Pangulo. Ito ay ang pagiging: malinis, matapang, masipag at matulungin.

Ang NPC ay ang ikalawa sa pinakamalaking political party sa buong Pilipinas, kasunod ng Liberal Party.

Matatandaang bumuo pa ang NPC ng isang executive committee para pag aralan ng husto ang plataporma, at plano ng bawat kandidato.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.