Mga pulis na nagpositibo sa COVID-19, nadagdagan pa ng 111
Nadagdagan pa ng 111 ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Miyerkules ng gabi (August 12), 2,732 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
764 pulis ang itinuturing na probable cases habang 2,202 ang suspected cases.
43 namang pulis ang gumaling kung kaya umabot na sa 1,800 ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Isang pulis naman ang napaulat na nasawi bunsod pa rin ng pandemya.
Dahil dito, umakyat na sa 13 ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.