Mga opisyal ng PhilHealth na kabilang sa tinawag na ‘mafia,’ pinakakasuhan ng plunder

Nais ni House Committee on Public Accounts Chairman at Anakalusugan Rep. Mike Defensor na kasuhan ng plunder ang mga opisyal ng PhilHealth hanggang sa regional level na sinasabing sangkot sa “mafia” sa ahensya.

Sa pagdinig ng House joint panel hinggil sa mga anomalya sa PhilHealth, tinukoy ni Defensor ang biglaang pagtaas ng bilang ng claims sa iba’t ibang sakit at medical procedures na binabayaran ng state health insurer.

Kinuwestiyon din nito ang mabilis na pagbayad ng PhilHealth sa claims ng ilang pribadong ospital, habang natatagalan naman sa government hospitals.

Ang mga nasabing aktibidad aniya ay maituturing na plunder, at dapat na kasuhan ang mga indibidwal na sangkot sa modus na ito.

Dapat aniyang mapasama sa mga makakasuhan ang iba pang mga kasabwat ng mga opisyal ng PhilHealth.

Nauna nang hiniling ni Defensor na itigil na ang case rate system dahil ilang bilyong piso ang nawawala sa pondo ng PhilHealth dahil dito.

Read more...