Higit P50-B hiling na budget increase ng PhilHealth sa susunod na taon, tinabla ng DBM

Sinopla ng Department of Budget and Management (DBM) ang hiling ng PhilHealth na madagdagan ang kanilang pondo para sa susunod na taon.

Sa pagdinig ng House committee on public accounts at House Committee on Good Government and Public Accountability, sinabi ni PhilHealth Acting Senior Vice President for Actuarial Services Nerissa Santiago na P71 bilyon lamang ang inaprubahan ng DBM, kapareho ng kanilang pondo sa taong 2020.

Mula aniya ito sa kanilang budget proposal na P138 bilyon.

Paliwanag nito, nakabase ang kanilang hiling na karagdagang pondo sa projections na hanggang sa susunod na taon na lamang ang kanilang actuarial life.

Malaki kasi aniya ang lumalabas na pera ngayon sa PhilHealth bunsod ng COVID-19 public health crisis, habang bumababa naman ang kanilang koleksyon mula sa contribution ng kanilang mga miyembro.

Inaasahan din aniya nilang bababa pa ang contributions sa susunod na taon dahil sa epekto pa rin ng COVID-19 crisis sa parehas na direct at indirect contributors.

Read more...