Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (August 12), umabot na sa 143,749 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 72,348 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 4,444 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
Nakuha ang mga datos mula sa 91 out of 100 licensed laboratories.
Nasa 93 ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 2,404 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 636 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 68,997 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
READ NEXT
50 porsyento ng public schools sa NCR, gagamitin bilang temporary quarantine facility – Palasyo
MOST READ
LATEST STORIES