50 porsyento ng public schools sa NCR, gagamitin bilang temporary quarantine facility – Palasyo
Kinumpirma ng Palasyo ng Malakanyang na gagamitin na ng pamahalaan ang 50 porsyento o kalahati ng mga pampublikong paaralan sa National Capital Region bilang pansamantalang quarantine facility.
Ito ay para sa mga tinamaan ng sakit na COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nagkasundo na ang Department of Health (DOH) at Department of Education (DepEd) na gamitin na muna ang mga paaralan.
“The Palace confirms that 50% of public school classrooms in the National Capital Region (NCR) will be used as temporary quarantine facilities as negotiated and agreed by both the Department of Education and the Department of Health,” pahayag ni Roque.
Nanatili aniya ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na sa January 2021 na ang pagbabalik ng face-to-face classes o hindi kaya ay may bakuna na kontra COVID-19.
“Resumption of face-to-face classes is set in January 2021, if and when a vaccine and /or medicinal drug is expected to be produced,” pahayag ni Roque.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.