Halos 61,000 pang kaso ng COVID-19, naitala sa India

Nasa 60,963 ang bagong naitalang kaso ng COVID-19 sa India.

Sa datos ng health ministry sa India hanggang 8:00 ng umaga (August 12), pumalo na sa 2,329,638 ang kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit.

Sa nasabing bilang, 643,948 pa ang aktibong kaso.

Nadagdagan naman ng 56,110 ang mga gumaling.

Dahil dito, 1,639,599 na ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa India.

Umakyat naman sa 46,091 ang nasawi bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...