Zamboanga del Norte, niyanig ng magnitude 3.4 na lindol

Tumama ang magnitude 3.4 na lindol sa Zamboanga del Norte, Miyerkules ng hapon.

Sinabi ng Phivolcs na namataan ang episentro ng lindol sa layong 11 kilometers Southwest ng Sindangan dakong 2:45 ng hapon.

May lalim ang lindol na 23 kilometers.

Ayon pa sa Phivolcs, tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang napaulat na pinsala sa Sindangan at mga karatig-bayan.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...