4 patay sa binaha na minahan sa Compostela Valley

By Kathleen Betina Aenlle March 01, 2016 - 12:33 AM

monkayo compostela valleyApat na katao ang kumpirmadong nasawi dahil sa pag-baha at pag-apaw ng tubig sa isang minahan ng ginto sa Mt. Diwalwal sa Monkayo, Compostela Valley.

Ayon sa Monkayo police na si Supt. Jay Dema-ala, ang mga nasawi ay ang tatlong minero at isang sibilyang rescuer na sinubukang iligtas ang 12 minero na na-trap nang pasukin ng baha ang Australia Tunnel sa Purok 3, na naganap dakong alas-10:30 ng umaga ng Linggo dahil sa walang tigil na pag-ulan noong Sabado.

Kinilala ang mga nasawi na sina Ernesto Loquinia, Gilbert Dayot, Reymart Pegaret at Reynante Gaminio, at sila pa lang ani Dema-ala ang kumpirmadong nasawi kahapon.

Ang mga nailigtas naman ay sina Aljun Dumagala, Oliver Uganap, Carlito Morado, Albert Agyang, Angelito Tanio at Pepe Mendoza.

Dagdag pa ni Dema-ala, ang mga pulis kasama ang mga sibilyang rescuers ay gumamit na ng submersible pumps para ma-drain na ang baha, at nang mahanap ang iba pang minero na sina Bryan at Richard Monson at Roel Dacalcal./

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.