Computerization sa mga transaksyon sa pamahalaan, lusot na sa Kamara
Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukalang E-Government Act.
Sa botong 229 na YES at wala namang pagtutol ay lumusot ang House Bill 6927 o E-Government Act.
Layunin ng panukala na gawing electronic-based at contactless ang lahat ng serbisyo at transaksyon sa mga ahensya ng gobyerno.
Ito rin ay upang makasunod na ang gobyerno sa ipatutupad na “new normal” sa gitna ng COVID-19 pandemic gayundin ang mapagbuti ang ease of doing business ng bansa.
Sa ilalim nito, aatasan ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na magtatag ng isang E-Government Master Plan na isasailalim sa review kada tatlong taon.
Bahagi ng master plan ang mga pamamaraan para ma-digitize ang paper based documents at government online payment system.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.