Olongapo City, Zambales niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang lalawigan ng Zambales.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 13 kilometers northeast ng bayan ng Olongapo City, alas-10:47 umaga ng Miyerkules (August 12).

May lalim na 9 kilometers at volcanic-tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

 

Read more...