100 empleyado ng LRT-1 na matatanggal sa trabaho, pinaa-absorb sa LRT-2, PNR at MRT
Iniutos ni Transportation Secretary Arthur Tugade sa railway authorities na i-absorb ang mga empleyado ng Light Rail Transit Line 1 (LRT1) na maaapektuhan ng layoff na ipatutupad ng Light Rail Manila Corp. (LRMC).
Partikular na inatasan ni Tugade ang Philippine National Railways (PNR), Light Rail Transit Authority (LRTA), at ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) na i-hire ang mga kwalipipkadong empleyado na mare-retrench.
Sinabi ni Tugade na kailangang-kailangan ng trabaho lalo na ngayong may pandemya.
Una nang sinabi ng LRMC na 100 empleyado nila ang maaapektuhan ng layoff.
Ito ay matapos mabawasan ng 90 percent ang kanilang ridership dahil sa COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.