380,000 na estudyante sa private schools, lumipat sa public schools
Aabot sa 380,000 na mga estudyante mula sa private schools ang lumipat ng public schools para sa School Year 2020-2021.
Sa pagdinig ng Senate basic education committee, sinabi ni Department of Education (DepEd) Undersecretary Nepomuceno Malaluan na marahil ay bunsod ito ng epekto ng pandemic ng COVID-19.
May mga magulang aniyang nawalan ng trabaho.
Sa pinakahuling datos ng DepEd, mayroon pa lamang 1.56 million na estudyante na nag-enroll sa private schools.
Noong nakaraang school year ay umabot sa 4.3 million ang enrollees sa mga pribadong paaralan.
Ani Malaluan maaring madagdagan pa ang bilang ng enrollees sa private schools pero hindi na maaabot ang enrollment rate noong nakaraang taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.