Pangamba na magamit sa 2022 elections ang pondo sa Bayanihan 2 pinabulaanan ni Speaker Cayetano

By Erwin Aguilon August 12, 2020 - 11:23 AM

Mariing itinanggi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na posibleng gamitin sa kampanya sa 2022 election ang pondo sa Bayanihan 2 o Bayanihan to Recover as One Act.

Ayon kay Cayetano, “bad-taste” ang alegasyon ng mga kritiko na gagamitin para sa campaign fund ng mga kaalyado ni Pangulong Duterte ang Bayanihan 2.

Unfair aniya na palaging iniuugnay ang lahat ng mga programa ng pamahalaan na gagamitin para sa halalan.

Tiniyak naman ni Cayetano na public service at tulong para sa mga Pilipinong naapektuhan ng COVID-19 ang gugugulin sa pondo ng Bayanihan 2.

Sabi ng pinuno ng Kamara kay Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Zarate na kung masakit sa kanila ang red-tagging ay masakit din sa kanila ang ginagawa na election-tagging ng mga kritiko.

Nauna rito sinabi ni Zarate na nababahala siya na magamit na “campaign-kitty fund” ng pamahalaan ang pondo sa Bayanihan 2 kapag hindi nabubusisi ng husto ang mga pinaglaanan dito.

 

 

 

TAGS: Alan Cayetano, Bayanihan 2, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Alan Cayetano, Bayanihan 2, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.