Pangulong Duterte hangad ang agarang paggaling ni Philhealth President Ricardo Morales

By Chona Yu August 12, 2020 - 11:12 AM

Hangad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang agarang paggaling ni Philhealth President Ricardo Morales.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi naging ugali ng pangulo na idiin ang isang tao lalo na kung may karamdaman.

“Well, the President wishes president Morales speedy recovery, iyon lang po. Hindi naman po niya didiinan ang tao na nagsasabi na na mayroong malubhang karamdaman. We wish him the best and we hope that he recovers right away,” pahayag ni Roque.

Sa ngayon sinabi ni Roque na tuloy aniya ang sariling imbestigasyon ng Malakanyang sa anomalya sa Philhealth.

Wala namang nakikitang rason ang palasyo na magkakaroon ng leadership vacuum kahit na naghain ng leave of absence si Morales.

“Kahit anong organisasyon po hindi naman po magkakaroon ng leadership vacuum. Kahit ano pong maging desisyon ni General Morales ay mayroon po talagang system in place para magpatuloy po ang trabaho ng kahit anong organisasyon sa gobyerno,” pahayag ni Roque.

Una nang naiulat na aabot sa P15 bilyong ang nakurakot sa Philhealth.

 

 

TAGS: Inquirer News, News in the Philippines, philhealth, Radyo Inquirer, Ricardo Morales, Tagalog breaking news, tagalog news website, Inquirer News, News in the Philippines, philhealth, Radyo Inquirer, Ricardo Morales, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.