outbrain

Landbank nagbabala sa publiko sa kumakalat na pekeng Facebook accounts ng bangko

By Dona Dominguez-Cargullo August 12, 2020 - 11:00 AM

Nagbabala ang Landbank sa publikosa pagkakaroon ng mga pekeng Facebook accounts na nagpapakilalang mga opisyal at empleyado ng naturang bangko.

Sa abiso ng Landbank, may mga FB accounts na humihikayat sa publiko na magparehistro, magpatala, at magpadala ng pera o load para manalo ng premyo.

Ayon sa Landbank, wala silang ganitong uri ng programa.

Hinimok ng Landbank ang publiko na iwasan ang pagsali sa Facebook pages o groups at mag-ingat sa pagbahagi ng mga personal nilang detalye gaya na lamang ng card number o CVV.

Ang mga impormasyon ay dapat kunin lamang sa opisyal na social media channels o website ng Landbank.

 

 

TAGS: advisory, BUsiness, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Landbank, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, scheme, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, advisory, BUsiness, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Landbank, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, scheme, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.