Halos 500 sako ng smuggled na bigas nakumpiska ng Customs sa Cebu

By Dona Dominguez-Cargullo August 12, 2020 - 10:51 AM

Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa Port of Cebu ang 495 na sako ng Myanmar White Rice.

Ayon sa BOC, tinatayang aabot sa kalahating milyong piso ang market value ng mga nakumpiskang smuggled na bigas.

Ang nasabing mga kargamento ay dumating sa pantalan galing sa Kaohsiung, Taiwan.

Ang sako-sakong bigas ay walang Sanitary at Phytosanitary Clearance mual sa Bureau of Plant Industry.

Naka-consign ang mga kargamento sa isang Theresa Lawas na mula sa Barangay Pansoy, Sogod, Cebu.

Pero nang busisiin ng Customs mula sa Barangay Pansoy, wala umano silang residente na may ganitong pangalan.

 

 

TAGS: customs, Inquirer News, Myanmar White Rice, News in the Philippines, Port of Cebu, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, warrant of seizure, customs, Inquirer News, Myanmar White Rice, News in the Philippines, Port of Cebu, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, warrant of seizure

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.