Global death toll sa COVID-19 mahigit 744,000 na

Sumampa na sa mahigit 744,000 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos, ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo ay 744,695 na.

Pinakamaraming naitalang nasawi pa rin sa US na umabot na sa 167,753.

Sumampa naman na sa mahigit 103,000 ang bilang ng mga nasawi sa Brazil.

Ang death toll sa Mexico ay umabot na sa mahigit 53,000.

Habang ang India ay mayroong mahigit 45,000 nang nasawi.

Narito bilang ng mga nasawi sa iba pang mga bansa:

Brazil – 103,099
Mexico – 53,003
UK – 46,628
India – 46,188
Italy – 35,215
France – 30,354
Spain – 28,581
Peru – 21,276
Iran – 18,800

Sumampa naman na sa mahigit 13.4 million na ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa mahigit 6.3 million pa ang aktibong kaso.

 

 

 

 

Read more...