Walong volcanic earthquakes naitala sa Mt. Bulusan sa nakalipas na magdamag

By Dona Dominguez-Cargullo August 12, 2020 - 08:59 AM

Sa nakalipas na magdamag nakapagtala ng walong volcanic earthquake sa Mt. Bulusan sa Sorsogon.

Sa 8AM Bulusan Volcano Bulletin na inilabas ng Phivolcs ngayong Miyerkules, August 12, pawang low frequency lamang ang mga pagyanig.

Ayon sa Phivolcs, indikasyon ito na patuloy ang volcanic process sa bulkan na maaring magresulta sa hydrothermal activity nito o magmatic intrusion.

Sa ilalim ng Alert Level 1, ipinagbabawal ang pagpasok sa four-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) ng Mt. Bulusan.

Inabisuhan din ang Civil aviation authorities na payuhan ang mga piloto na iwasan ang pagpapalipad ng eroplano malapit sa summit ng bulkan dahil maari itong magkaroon ng phreatic eruption anumang oras.

 

 

TAGS: Inquirer News, Mt. Bulusan, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Sorsogon, Tagalog breaking news, tagalog news website, volcanic earthquake, Inquirer News, Mt. Bulusan, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Sorsogon, Tagalog breaking news, tagalog news website, volcanic earthquake

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.