Sa pinakahuling datos, 20,500,676 na ang global cases ng COVID-19.
Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 255,000 na bagong kaso sa magdamag.
Ang kaso sa Estados Unidos ay sumampa na sa 5,304,355 matapos makapagtala ng mahigit 52,000 pang bagong kaso.
Ang Brazil ay nakapagtala ng mahigit 54,000 bagong kaso habang mahigit 46,000 ang nadagdag sa kaso ng COVID-19 sa India.
Ang Pilipinas ay pang-22 na sa mga bansa na may pinakamaraming kaso sa mundo.
Narito ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa iba pang mga bansa:
Brazil – 3,112,393
India – 2,328,405
Russia – 897,599
South Africa – 566,109
Mexico – 485,836
Peru – 483,133
Colombia – 410,453
Chile – 376,616
Spain – 373,692