Bagyo sa labas ng bansa papasok sa bansa bilang LPA; Visayas at Mindanao apektado ng ITCZ
Intertropical Convergence Zone o ITCZ ang nakaaapekto ngayong araw sa buong Visayas at Mindanao.
Sa weather forecast ng PAGASA, dahil sa ITCZ, ang Bicol Region, Visayas, Mindanao, Mindoro, Marinduque, at Romblon ay makararanas ng maulap na papawirin ngayong araw na mayroong kalat-kalat ng pag-ulan.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin naman ang iiral sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng Luzon na may isolated na pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.
Samantala ang bagyong binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa ay huling namataan sa layong 1,740 kilometers east northeast ng extreme northern Luzon.
Ayon sa PAGASA, maari itong pumasok sa bansa pero bilang isang Low Pressure Area na lamang,
Hindi rin ito inaasahang makaaapekto sa bansa dahil malayo ito sa landmass.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.