Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 1,641


Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (Linggo, August 9) , nadagdagan ng 30 ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 1,641.

Sa nasabing bilang 1,137 ang active cases.

Ang bilang naman ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan ay nadagdagan ng 1 kaya umabot na ito sa 169.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 2,947.

Read more...